Wednesday, January 14, 2015

PAGMUMUNIMUNI

     This is just a phase in my life, that I start questioning again na kung nasa right path ba ako, kung masaya ba ako, at kung tama ba ang pinag gagawa ko noon kaya ko to na arrive. I wanted na lumipat ng work kasi I'm pretty sure wala akong mapupundar sa sinasahod ko sa work ko ngayon, naturingan pa naman isa akong professional, pero ako ang me pinakamababang sahod saming magkakapatid. Yung sumunod sakin public hs teacher (na tataas na ang sahod) and yung youngest sister ko naman lead sa programming team nila. What if kung ibang kurso ang kinuha ko non, mag eexcel kaya ako sa field na yun? Nag try nga ako mag apply sa call center pero masyado daw mahina voice ko, hehehe. So far so good sa lahat ng naging work ko eh, lagi akong me backer, kumbaga hindi naging mahirap for me, kahit papano maswerte lang....

In few hours, hindi ko sure kung me site meeting, hahanapin na naman sakin yung as-built plan ng site na kinaroroonan ko now. 2nd week pa lang ng December tapos ko na yun and go signal na lang ni boss ang antay ko para mapa plot yun, langya scape goat na naman labas ko nito, ngingitian ko na lang naman ulit ang client...

     I'm 33 now, sa ganitong edad ng mama ko, malamang hinahabol habol na nya ako non, maybe I was 5 years old, makulit, free, walang lakad na di takbo, inosente, and starting to show ang pagka hilig sa drawing... hay.. itong mga kamay, ano pa ba ang silbi mo sa buhay bukod sa mag autocad, 3dmax at manghagod ng lalake?

     Minsan naiinggit ako sa mag taong me kaya, pinagpala at me inspirayson at nag guguide sa kanila sa karera ng buhay nila, or baka isang dependent pa din ako na tao, still living with my family, maybe ganon talaga pag sama sama na natutulog since pagkabata, mahirap i break ang ties, dahil nga sa mababa pa sahod ko, hindi ko pa kaya magsarili, e kung gagawin ko naman yun baka bedspacer lang kaya ko. Pero I love the times I kiss my mama goodbye every morning, at kahit pasaway ang tatay ko, at least buo pa din kami. Unlike sa ibang tao na very complicated ang situation ng pamilya nila, pang tele novela lang ang peg.

     And now I find myself, writing again ang mga nasasaloob ko, it’s been a long time na ah. Palibhasa noon wala akong internet sa bahay, I always save 30 pesos sa pagtatakbo ng taya nong early 2000 para lang makapag net ng 2 oras. And hindi pa kami nagkaka daupang ari, este palad ni fubu non, lagi kasi syang matanong sa mga nagging exp ko. Kaya wala akong ibang na exxpresan ng kalooban ko. Para syang personal database ko. And we are celebrating this 2005 May ang unang pag chochorva naming. Grabe 10 years na din, and it’s been 10 years na din since una akong magka jowa. May 2005 din yun, a cute foolish boy said sa text “I love you, sige magsasaing lang ako hehehe”. But almost 2 years lang ata kami, hindi ko na nga maalala apelyido nya, ahahahaha. Sobrang funny for me, 1st time naming mag chorva ni fubu then after a few weeks me sinagot ako na guy. After 4 years ng solid na panglalake pagpapatigas sa puso ko, then biglang magseseryoso ako, hindi ko nirereplayan si fubu sa mga text nya kahit niloloadan nya ako. I even gave a contact to him sa isa sa mga liberated kong friend that time para di nya ako kulitin. Kasi nga gusto ko na maging serious, nalaglag ang nick ko sa IRC, di ako nag eentertain ng guys sa friendster and myspace. Pero no use, siguro sa personality ko na ma pride, hindi mapagbigay, medyo intimidating, at hindi malambing, or ewan ko, basta hindi pang gf material… hindi nag work out… Hanggang sa nagkakalabuan na kami ni 1st bf, here comes fubu, always bumibisita sakin sa work ko dati, treat nya ako ng lunch. Since malapet lang pc options sa work ko non, niri reason nya na nasa tabi tabi lang sya kaya kita naman kami. And around last year or 2 years ago lang nya inamin sakin na, yun lang dinadahilan nya para makita ako, at dala lang nya yung mga hd or memory para me props! I remember na pinapakita nya pa sakin yung mga hardware na yun kasi me kadeal sya or something kaya hes just around the area… tapos yun pala, ako lang pinunta nya dun.. di ko alam kung kikiligin ako, or maiinis kasi nauto nya ako.. ahahahahaha
 My New Year Countdown Blog is 10 years na din, damn those 101 boys, dumaan lang sakin na para lang akong nag toothbrush, hindi ko maalala lahat ng pag mumukha nila, malamang kung makasalubong ko sa daan yung mga yun, hindi ko makilala.. buti na lang me listahan ako to check who the hell kung sino sya pag me nag ppm at nag ke claim na naka seb ko na sya. Minsan din pag me GEB sa IRC chatrooms, at mangilan ngilan sa mga lalakeng dun e natikman ko na… Imagine in the same room, magkakasama mga 5 or 6 guys na nachorva ko.. hehehe.. funny lang.. disgustingly funny… Nong New Year’s Eve, nilalasap ko ang lamig ng hangin habang nag lalakad ako, kasi parang ganon din ang pakiramdam ng hangin sa 101’st guy in my blog, kasi sakto New Year din yun ng pa 2005. Can’t remember that guy’s face na nga, but I can remember yung intense feeling at kulit ng situation ng encounter namin….

    Minsan iniisip ko na sana di na lang ako masyadong naging safe or nong kapanahunan ko, sana me time na nagpabuntis na lang ako sa kung sinong poncio pilato. I don’t see myself na me asawa na now, at my age, definitely ang hanap nila e yung bata, maganda, sexy. Pero good thing hindi ako nagkasakit or something, dahil sa pagiging safe na yun. Bukas magkakaron kami ng 2nd batch ng Elementary Reunion, nong 1st batch ng reunion last Dec 29, 2014, lahat pala sila me mga anak na, ako lang ang wala, kaya di ako maka relate… kailan kaya ako makaka relate… I’ts been 20 years since our elem grad and yung iba nag open up na sa mga nagging crush nila noon, I mentioned this certain guy,  kilala nila ang guy sa blog ko na the Grudge, that cute asshole guy…

     Malapet na pala mag alas singko, pumatay na naman ako ng oras, ganito talaga pag walang internet sa work… Kamusta na pala ang buhay ko, alam ko madaming sumusubaybay sa mga blogs ko dati, after 10 years since that fucking blog, akala ko magkakaron na ako ng family or something, hindi pala ganon, siguro nasobrahan sa pagiging corrupt na ang puso at damdamin ko. Di ako basta basta na fafall in love, crush lang or pagka giliw pwede pa, pero not love, si fubu? He’s just a friend, and pwede kong masabi na I trust him my life. Yung tipong pag gusto kong mamatay, sya ang gusto ko na gumawa non sakin, habang kiss nya ako, gusto ko sa kanya ang mga huling hininga ng buhay ko… 

     Still isa pa din syang misteryosong guy for me, siguro  kaya nag wowork out kung ano meron kami. Madaming nagsasabi, baket hindi na lang sya? Ok na ako kung ano meron kami, and ayaw kong masira yun. Pero ayaw ko magsalita ng tapos, baka me guy na worth na maging partner ko sa buhay, I’m sure si fubu unang matutuwa kung magkaganon man, pero if 10 years from now e still single pa din ako, sya pa din ang gusto kong kayugyugan, basta ba wala pang arthritis, slipped disk or highblood na umaatake samin, hehehe…

     Hay…. Hindi ko alam kung kelan ako muling makakapag sulat ng ganito, salamat sa twitter, facebook, and instagram, ang mga maliliit at di makabuluhang saloobin ko e naibubulalas ko ng pa unti unti dun… O sya, salamat sa pagbabasa kaibigan 3:) see yah!

Still alive and fucking, este, kicking,
Femme_666


2 comments:

Unknown said...

Wow youre back! Sulat ka ulit ng mga stories mo, im a fan.

Glenn David Torres said...

hey, cheer up...you have a brighter future ahead. make some good decisions, life will be better...:-)