Tuesday, July 3, 2012

Mercedes Motor Accident (06-29-2012)

Another accident na naman sa area ng work ko (nakakahalata na ako ah! sa lahat ng pinag tratrabahuan ko me morbid accident na nangyayare sa tabi tabi)! Last friday morning, June 29, 2012, a motor rider was hit by a 10 wheeler truck along Mercedes Ave. Pasig, di daw sya nakita ng truck driver...

Tuesday, September 18, 2007

Music For The Broken Hearted



Una try ko lang kung gumagana ito... pangalawa... hay nakakaloka pala maging sawi sa pag ibig at hindi mo alam kung ano ang gagawin at pano pa ba iinog ang iyong mundo... kung papaano mabubuhay at hihinga kung alam mong isang nilalang lang ang makakapagpasaya sayo... punyeta ang corny ko na naman!!! ahahahaha!!! tangina na get over ko na yun ah baket pa ba ako nag iinarte ng ganito? ay oo nga pala triny ko lang i blog ang sa imeem ko.. wahehehe

Monday, June 18, 2007

April 11, 2007 - Hay.... Ganyan Talaga ang Buhay...

at dumating ang aking kinakatakutan....

hayyy sarap pag lunch break! yun ang time na walang sisita sayo or di ka mahihiyang mag net while in the office... hayy.. baket ganun ang buhay.. baket ganun magmahal... letse... baket ganyan kayong mga lalake ang alam nyo lang e mag promise pero duwag naman.. wala na talaga... wala na akong mapiga sa damuhong lalakeng yun! what a way to complete my boring holy week... 2 araw na masakit at mugto mga mata ko.. i hate this.. i hate crying... nanahimik ang buhay kong nagpapakasaya sa pakikipaglaro sa lalake then all of a sudden... lintik na pag-ibig... parang kidlat... parang kanta... at nababaliw na ata ako... now ko lang na raranasan ang mga bagay na ito. masarap sa simula ngunit napakasakit kapag wala na. i know myself hindi ako nagkulang, lahat ng pagtitimpi at pagtitiis ginawa ko... pero sya... ahmp! natatakot sa anino ng kanyang ina, magtago na lang sya sa palda nun for ever and ever amen! hayyy... pero sya lang ang tanging tumanggap sakin kung ano ako... our first kiss was so.. so.. magical.. out first monthsary was so... so... funny and nakakakaba... dahil nabagansya kami sa luneta at ang ibinigay nya ang kanyang rolex ata yun kasi di tinatanggap ng mga damuhong bakaw na pulis ang 3310 ko non! and divirginizing him was one of the most memorable sexperience ive ever had (birthday pa ni mama mary noong panahon na yun.. wahehehehe) ... pag may mga times na tampuhan kami kahit nagdradramahan kami e i can manage to make him smile... its so priceless to see him smile even with tears... naaalala ko sya sa lahat ng sulok ng sm manila kasi dun kami unang nagkita at madalas magdate dati, at ang unang tampuhan namin that lead sa iyakan at hagulgulan under sa madilim na lrt na malapit sa manila cityhall... shet... di ko akalain na magagawa ko ang mga bagay na tinatawanan ko lang pag nakikita ko sa iba... sa kanya ko lang nagawa ang mga bagay na yun... pero.. wala na sya... tinaboy na nya ako sa buhay nya, and kutob ko pinapili sya ng nanay nya between me and ang future nya. and whats with his mom? di lang ako type non kasi im not "presentable" enough... its such a torture na birthday nya tapos di ako makapunta sa kanila or di ko sya makita kasi banned ako sa kanila... hay... di nga ako maganda.. di nga ako sexy... pero putsa yun ba ang basehan ng pagiging tao? e kung ipagkalandakan ko sa kanya resume ko?! shet!!!! marami pa sana akong plano para sa aming dalawa, marami pa akong kanta na nais iawit sa kanya, marami pa akong sweet and romantic things na gusto kong gawin para sa kanya lang... pero... wala na nga kaming chance masyado na magkita noon kaya hindi ko magawa ang mga bagay na to... almost 2 years kami... sayang... nakakapanghinayang... he says theres a purpose kung baket nangyayare ang mga bagay na to! damn! tangina! then he says mas ok na maghiwalay na kami kasi mas masasaktan lang ako kapag pinagpatuloy pa namin ito.. and hes saying sorry kasi aminado syang hes not been the bf that i have expected... hayyy so lame, so coward na itxt na lang nya sakin ang mga bagay na yun kesa sa kausapin ako at sabihin ng harapan sakin... after my january board exam ko, sya lang ang biglang pumasok sa isip ko, mula mlqu sa quiapo nilakad ko hangang sa rpapa recto dun sa review center nya kahit ang bibigat ng mga dalahin kong drawing board at materials... inintay ko sya... buti dala nya sasakyan nya at nagprisintang ihatid ako pauwi pero me simba pa daw sila ng family nya kaya di na kami makakapag usap... pero bad trip isinama pa nya ang friend nya kaya talagang walang imikan kami sa kotse, nagpatugtog pa sya ng kantang "im dying inside to hold u" pati "i just wanna be close to you", ang damuhong yun! talagang sinasaktan damdamin ko! and noong birthday ko pala, talagang aminado din sya na hes so cold, kasi he has plans na pala... na hindi ko nalalaman, nung unang bumagsak sya sa board exam nya dun daw sya nagisip kung ano ba talaga, his future or ako? kaya siguro sinadya nyang maging cold para di ko na kayanin at ako ang unang bumigay to call quits.. which i did last december. unti unti na pala nya akong tinatanggal sa system nya para makapag focus sya sa review nya.... now ako naman na bumagsak sa january board exam e hindi na makapag concentrate mabuti dahil sa mga pangyayare, now i cant prepare na for my june board exam to give it another shot... its so fucking unfair!!!... im so wasted...mabuburaot na naman ako sa mga lovesongs.... gusto ko maranasan kung pano malasing... gusto ko tumalon sa ilog pasig... gusto ko pasagasa sa truck... pero mukhang sayang madami pa akong lalakeng paliligayahin... ahehehe...i cut my hair short... hay ang mahaba kong buhok... dun ko na lang binuhos lahat ng sama ng loob ko... everytime i decide something that would change my life nagappagupit ako ng buhok....hayyy and now i feel so good kasi hindi na ako natotouch or naiiyak habang inaalala ko sya at sinusulat ito, binura ko na number nya sa cellphone ko pati ang txt ng mga napakong pangako na hindi nabigyan ng kalinawan ay binura ko na din, natira na lang ang mga pictures nya na parang gusto kong pagpractisan tusok tuskin ng mga karayon at aspili.... pano ba yan... mukhang bukas na naman ang aking pinto sa kamunduhan... i need na patigasin ulit feelings ko, napalambot kasi nya and he tamed me ng di ko namamalayan... shet... last night ng pauwi nko around 12 mn... nakasalubong ko ang kapitbahay naming pilay na mayabang... binati nya ako... "o bakit mag isa ka lang? gabi na ah!" sabi ko ok lang ako and sanay na ako, then he said "bakit hindi ka ba sinusundo?", sumagot ako "hindi", tapos sabi nya " kung mahal ka nun dapat sinusundo ka nun"... tanginang to... bigla lang me kumurot sa puso ko... then i replied "wala akong ganun!".... then ng mkalagpas na ako sa kanya humabol pa sya ng tanong... "bakit naman?".... then nag buntong hininga na lang ako.... and said... "hayyyy... ganyan talaga ang buhay...."

December 15, 2006 - Hong Kong Trip

My 1st out of country trip!!!


Hayyy!! What a boring day! Wala naman akong magawa… hay… last Monday sakto 8:00 pm ng lumapag ang eroplanong sinasakyan namin dito sa manila. Just got back from hong kong, masaya din at nakakapagod ang tour. Libre kasi eh, ang medyo frustrating lang eh wala ako masyadong pera pang shopping. Pero ok lang! sulit na sulit naman!!! Binasa ko ulit yung blogs na ginawa ko noong bago kami mag tour, langya daming maling spelling at ang gulo pala ng mga pinagsasabi ko, taena at ang drama ko pa! bweset!!! Thanks nga pala sa mga nagbigay ng comments from myspace… wow natouch talaga ako… nakakaiyak din ang comments nyo.. ahehehe… noong nasa trip ako, di ko rin talaga maiwasang malungkot, lalo na't kada san ako lumingon merong mga sweet na maglovers na naglalampungan… tama ba namang mang inggit!!!

Photobucket - Video and Image Hosting

Photobucket - Video and Image Hosting


Sa airport pa lang, excited na ako… sa wakas makikita ko ang mga skyscrapers na pinag aaralan namin sa review!!! And yeah halos tumulo laway ko ng makita ko sila… wow… ang ganda ng skyline sa hong kong… ayun ang building ni I.M. Pei! At ayun pa ang IFC… shocks kakagigil! Ang layo layo ng nilakad namin at sumakay kami sa ferry papunta sa kabilang ibayo kung san andun ang magagandang buildings. Pero parang naliligaw ata kami and we stopped by sa isang coffee shop, nagulat ako kasi nung alukin kami ng serbidora e tagalugin ba naman kami. Ahahahaha, then yun isang officemate ko tama ba naman na noong umorder eh ang sabi "Pagbilan, dalawang orange juice!!!" kaya napakunot ng noo yung tindera.. ahaahahahah. Ang second day namin ang brutal, hala maaga pa lang gising na kami at sinundo ng bus. Lakad dito, lakad doon, pose dito at papicture doon, sa kung san san kami dinala, pati sa mga jewelry shops, avenue of stars, sa bilihan ng jade, at sa kung san san pa… kakaloka din ang mga utao dun, mas weird ka mas in ka, patok ang look na parang bagong gising at di nagsusuklay, patok din ang kulot na buhok kasi obvious na diretso mga buhok ng mga intsik tapos mga sapilitan pang nagpapakulot. Kaya naman sa buong tour todo lugay ako ng buhok… bwhahaha mainggit sila natural ang akin!!! Pero ang tanging di lang kinaya ng powers ko e ang amuy nila… amuy beho, at amuy bumbay, halos himatayin kami ng officemates ko ng mapunta kami sa underpass na medyo kulob… oh my gashhh…. Hay… promise hindi ako himihinga.. ang malas ko pa wala man lamang akong panyo!!! Hay, hindi naman sa sinisiraan ko sila pero.. talagang… hay di ko maapreciate… tapos may mga parang eskinita na tabi ng ibang restaurants e susme… di namin type ang aroma… ni hindi kami makakain ng mabuti sa mga food dun. Bigla ko tuloy namiss ang adobo… at saka langya ang dami ng servings! Parang ang 1 serving sa kanila e pang 2 tao na dito!!! Hay… grabe!!! Tapos mas grabe cr nila dun… ahehehe panghe na tapos yung mag ssquat ka pa talaga kasi yung kubeta nila e ka level lang halos ng floor, unlike sa nakasanayan nating water closet… grabeee… Pero bawi bawi naman sa view… ika nga ng tour guide naming mukhang di nag toothbrush.. SPECTACULAR!!!!!

Photobucket - Video and Image Hosting

Photobucket - Video and Image Hosting

Photobucket - Video and Image Hosting

Ng pang 4th day naming, Sunday ata nun, napag desisyunan na pumunta sa ocean park, papunta dun eh nadaanan namin ang parang central plaza, at dun nag kukumpulan ang mga pinay dh, nakaka awa lang kasi para mga pulubi sa daan, pero mukhang ang sasaya naman nila, ang di ko lang nagustuhan eh may mga nanghihingi pa ng donations or abuloy… sus kaya ganun na lang ang tingin sa atin ng ibang dayuhan eh…. Then ayun! Sa ocean park! Walang hiya! Hingal ako sa pag akyat, though naka escalator kami, ang tarik tarik naman, at saka nakakatakot pang tumingin sa ibaba… pero habang pataas ng pataas e mas gumaganda ang view! Haneeeppp… 80 hong kong dollars ata kada head ang bayad dun… pagpasok namin… nakuw sa dami kasi namin nagkawalaan na ang iba, then we take this ride na habang umaakyat e umiikot ng 360 degrees pero mabagal lang kaya kitang kita mo ang buong vista ng hong kong. Panay lakad na naman at kakangalay talaga sa paa, then ikot kami sa mga aquarium at nanood kami ng show ng mg utu utong dolphins.. ahehehehe tapos nun sumakay kami ng "the abyss" yung I aakyat ka sa halos 10 floors ang taas tapos biglang kang ibabagsak at magbobounce ka ng 2-3 times.. katabi ko pa boss ko noon, anak ng tinapa! Ngayun ko lang nalaman ang feeling ng mga nagsuisuicide na tumatalon sa building, shet! Feeling ko naiwan ang kaluluwa ko sa ere!!! Nanginginig na ang tuhod ko pagkatapos namin sa ride na yun… tapos yung roller coaster naman!!!! 1st time ko maka ride sa roller coaster na me loop, 2 loops ata yun! Tapos… hala sigawww… puro mura inabot ng coaster ride na yun sa akin, ang katabi ko naman na matimtiman kong officemate, ayun.. parang pinapara ang roller coaster, sabi ba naman "Tama naaahhhhh!!!! Ayaw koooo naaaahhhhh!!!" ahahaha… sa kakasigaw ko at pagtawa sa kanya, langya pati laway ko nililipad na din sa hangin!! Shet kadiri!!! Ahahahaha.. grabe… mga rides ng buhay ko at talagang di ko makakalimutan… pagbaba sa roller coaster talagang paypay na ako… then konting lakad pa at tingin sa aquarium ng mga sharks… then pumila na kami sa cable car… ewan ko ba kung baket pero talagang… nanghina na ako sa cable car… nung unang padausdos nya.. wahhh natakot na ako.. the rest of the ride halos pikit mata ako.. alam ko di ako takot sa heights pero baket ganun!!! Biglang naduwag ako…tawa ng tawa ang mga officemates ko na kasama ko sa cable car… ako naman mangiyak iyak, ang mga langya! Kinukunan ako sa handy cam at sa digicam… ako naman kapit na kapit pole sa loob nun… ahuhuhuh nagud time nila ako… pati ang boss ko tawa ng tawa… naku everytime na may lumalabas kami, isa ako sa mga laging napagkakatuwaan at nagiging clown sa group naming… ahehehe minsan sadya minsan naman natural lang na lumalabas… ahehehehe hay… what a day!!! At ayun… mahaba na naming lakaran… kainan.. at shopping! Me allowance naman na binigay samin kaya kahit konti nakabili ako…yun nga lang konti lang… ayun…

Photobucket - Video and Image Hosting

Photobucket - Video and Image Hosting

Photobucket - Video and Image Hosting

Photobucket - Video and Image Hosting

Photobucket - Video and Image Hosting

Hayyy kapagoddd sobrraaaa….. kaya naman nung Tuesday din a ako pumasok sa work, sayang wala tuloy ako nung sumabog ang sasakyan ni dodot na lagpas lang sa office namin… Dami talagang disgrasya ditto sa C5!!! Plan ko e ayusin na ang mga papeles ko para makapag apply na sa prc, pero talagang bagsak katawan ko… mga bandang hapon tumawag ang bestfriend ko, nang hihingi ng tulong dahil nag chechemo ang mom nya sa perpetual help sa malapit sa ust. Pumunta ako dun, ok naman mom nya, medyo nalalagas na nga lang ang buhok, dala ko na din ang pasalubong ko para sa bestfriend ko and buti na lang nakabili ang bonet para sa mom nya… and she liked it… binantayan ko muna ang mom nya while umuwi muna sya s alas pinas… habang nagpapahinga sya… hayyy… dinadama ko sarili ko.. parang masyadong overloaded ako ng emotions nitong mga nakaraang araw… excitement, saya, lungkot, thrill, depression, paghanga, pity, kaba sa dadating na exam… hay… buhay... and something strange happened to me noong madaling araw ng Wednesday… I had a bad dream, na tipong parang me halong adobe photoshop… then pag natatapos na ang pagphotoshop ng isang batang babae… dahan dahan nya akong parang napopossess… taenang yan! Then sa dream ko… wala akong magawa, pinilit kong sumigaw… and yeah I did… I heard myself na sumisigaw na ako na may halong tawa.. at ang boses ng nanay ko at kapatid ko.. pagmulat ko ng mata, ayun… umiiyak ang kapatid ko, ang nanay ko gulat na gulat… kasi nakakatakot daw… sobra… hay… siguro sa dami ng iniisip ko at sa sobrang pagod ko kaya nagkaka bad dreams ako… then nakatulog ako ulit… eto ang malupet!!! Tama ba namang ang sunod na panaginip ko… e… nakaupo ako kasama ang maraming nilalang… at nagbubukas ng test paper… at.. at.. NAGTATAKE NA NG BOARD EXAM!!!!! Wahhhh… tapos nagising ako bigla! Wah shet! Wala ako masyado maalala dun sa test paper sa panaginip ko… langya malala na to.. kung ano ano ano na ang tumatakbo sa utak ko… hayyy grabe… grabee… grabe… sa mga susunod na araw ano na kaya ang mangyayare sakin… ive got 1 month na lang ang waiting for my adrenalin to fully kick off para makareview ako ng todo todo.. plan ko mag rent ng space, syempre sa bandang recto, yung walang gugulo sakin, walang maingay, walang sagabal.. magpapaka ermitanyo ako.. ahehehehe hay shet kaya ko to, kahit dinediscourage kami sa review center na wag muna magtake ng board ngayun kasi pinalitan lahat ng board of examiners at mababago na naman ang trend sa exam…. Hay… kinakabahan na ako… at saka… mukhang matagal bago ako makakapag online ulit.. kasi mag leleave na ako sa work by next week…. Merry Christmas and Happy New Year na lang sa inyong mga masugid na mambabasa ng blogs ko… salamat at napagtyatyagaan nyo ang stuffs ko…

December 8, 2006 - Di Bale Na Lang

Unang blog na ginawa ko dahil sa sama ng aking loob... I just... flushed out my feelings....

Kasalukuyang madaling araw ngayun, uy Dec 8 na pala! Immaculate Concepcion, pyesta sa amin, pero nasa office ako now. May company outing kami and medyo excited ako kasi for the 1st time makaka alis ako ng bansa. Sa Hong Kong ang tour namin, medyo maganda ang pasok ng pera at projects this year sa company namin kaya ayun treat kami ng mga bossing namin. Wala akong magawa at bitin kung matutulog pa ako kaya ito gagawa na lang ako ng blogs… madaling araw no… kaya mga ganitong oras gumagana utak ko.. ahehehe….

Last Dec 6 bday ko, taena tanda ko na naman, 25 na ako. Gumising ako ng maaga, excited! Nag trip ako na magsuot ng palda which is once in a blue moon ko lang ginagawa kasi magkikita kami ni bf non at di pa nya ako nakikitang naka skirt. On the way sa work medyo hirap ako sa pag upo sa jeep, di nga kasi ako sanay sa palda. Habang nag aabang ng fx sa recto, nakita ko naman ang guy na nakita ko kahapon na kasabay ko sa fx, then may dumating na fx, aba parang yun din ang fx tulad ng kahapon ah. Ang usual na spot ko sa fx e sa bandang likod. para matapat sakin ang aircon at maka idlip ako habang papuntang tektite. Its really freaky kasi im with the same person, sa same spot sa fx like yesterday, same fx and same din pati ang pinapatugtog nyang Gary V songs like yesterday. How would I know na yun ang same fx? E langya nakapaint ng orange ang part ng aircon nya at saka mala tigre ang sapin or tela ng kanyang upuan! Very unique nga eh, at sa harapan ng drivers seat e dun ang collection ng mga CD. Parang gusto ko na tuloy bumaba sa fx pero nung nakita ko ang kasunod na fx eh napamaang ako, potek ang mahaderang hinayupak na secretarya ng sa dati kong company (which is kalaban ng company na pinapasukan ko now). Buti na lang talaga me silbi ang mahaba kong buhok kaya bigla kong tinago mukha ko.. sana di ako nakilala at paniguradong ichichismis na naman ako nun dun sa company nila.. ahehehehe. Habang bumabyahe ang fx ayun na tumutugtog na ang mga Gary V songs, noong bata ako sya ang paborito kong singer, nagtataka nga pinsan ko e babae daw ako pero baket lalakeng singer ang fave ko. Then tumugtog ang “Di Bale Na Lang”, ang unang kanta na talagang minemorize ko nung bata ako, I was around 5 or 6 ata nun at naaalala ko me hawak pa akong songhits na kalahati ng size sa songhits natin ngayon. It made me smile, hay umagang umaga pa lang naaliw na ako.

“Minsan sabi niya sa akin
Sandali na lang
Akala ko naman ay sigurado na ako
Handa kong tanggapin ang kanyang oo
Bigla na lang nagbago ang isip niya
Hindi ko akalain na gano'n pala siya
Pinaasa niya lang ako
Bitin na bitin ako
Oooh woh”

Ahahaha at sa isip ko e nakikisabay ako sa kanta, hanep ang jumpstart ah! Then saka ko narinig ang mga kanta ni gary with kyla, ahehehe shes my schoolamate and batchmate noong hs sa baste, shes really good din at ang layo na ng narrating nya, I was wondering nga kung magkaron kami ng reunion she will be star of the night, sa pag kaka alala ko she won the metro pop sa gma noong 1997 and pang 3rd sya. Lufet! Natawa ako dahil naalala ko din ang music teacher naming noong 4th yr kami, nirecord nya pagkanta ni kyla at talagang pinarinig sa class naming. Ng manalo sya hala lagi na syang kumakanta kapag may program kami sa school at syempre sya din ang naglead sa pagkanta noong sa grad ball namin. Ohhhh sarap ng hs life! Then nakaidlip na ako kasi medyo di ko na type ang ibang kanta ni gary v…. ahehehehe

Pagdating ko sa office, akala ko late na ako, nyeta kasi baket ba pag nagmamadali ako lagi na lang matraffic! Pero sakto 1 minute na lang! Muntik na akong malate! Paglapit ko sa table ko, wow me regalo sakin, I thanked yung HR naming, sya kasi ang nasa tapat ko, sabi nya did aw sa kanya galing ang gift, then I asked kung kanino galling? Tumuro sya sa taas, nagulat ako “Ke Mam?!” hindi daw, then she said “Ke Mumu” huh? Hala, yun kasi ang codename nila dun sa isa naming officemate na medyo… ahmm … kakaiba… ahm… medyo… slow… basta parang ganun! Na shock ako, di ko expected yun, sometimes I say things behind her back para mapatawa ang iba kong officemates, nakakainspire kasi eh… e kasi ba naman medyo kakaiba sya eh. Shes 28 na ata or 29, graduate daw ng ece sa tip pa ah! Pero ng pumasok sa office, aba ang tanong sakin
“Pano mag gitna ng paragraph sa word” naku nagulo mundo ko non, syempre para di halata I just smiled and tinuro naman sa kanya ang pag highlight at pagpindot ng justify sa toolbar. Nawindang talaga ako dun ah! Another pa, she asked kung pano mag attach ng picture sa email, pano maglakagay ng picture sa avatar. Nilagay sya ng una sa sales pero ng bigyan sya ng projects at lahat ata nun e nagkawindang windang na halos umiyak na dugo ang boss ko pati ang clients… hay nakakaawa.. pero niretain pa din sya sa office, kasi yung mismong boss ko pa ang nagpasok sa kanya, nagmakaawa daw kasi, kaya ayun nilagay na lang sya sa clerical works, minsan taga luto, minsan messenger, minsan taga encode. Ok na naman sya now… Ang huli nyang hirit na nagpatawa sakin eh nung magpapaprint sya from excel, I asked her kung long or short ba ang papel? Nakita ko maliit lang pero alanganin pero pag naka portrait panget tingnan, she she said “Ay paki edit! Di ko pa nagagawang landslide” ??? Ay naku kung mala anime lang ang mukha ko sangkatutak na malapawis ang magdrodrop sa ulo ko! Pero magaling ako magpigil, kasama ko lang cubicle ang di na nakatiis at talagang hayagang tumawa… ahehehe bad bad bad!!!! Pano ka ba naman di maiinspire sa pang ookray sa kanya diba? Kahit di mo sadyain eh natural kang makakapag salita eh, pero compared sa iba kong officemates medyo mapagtiis ako at napagtyatyagaan ko sya, kaya siguro natuwa sya sa kin at niregaluhan ako… ahahaha.. naguilty tuloy ako… Then she came down galing sa 2nd floor and with a smile, nagpasalamat ako sa kanya, she came to me hugged me and kissed me sa cheeks and said “Happy Birthday!” Medyo.. ay dip ala… kinilabutan ako… pero still smiling… nag thank you ako ulit sa kanya… nung lumabas na sya ng room, ang 2 sa officemates ko bigla akong sinigawan ng napakalutong na…. PLASTIC!!! Bwahahaha!!!! Ayaw ko naman sila sabihan na, ‘Buti nga yun me regalo e kayo? Wala!!!” ahehehehe, then ang usual na gawain ko pag umaga, magonline sa myspace, friendster, multiply, club1ph, tagged, facebox, emails, mtc, and yummypinays… who dumadami na ang online community ko ah, and it really made me smile dahil sangdamukal ang nag msg sakin at bumabati, madami ding comments ng bday sa myspace ko.. sarap din ng feeling.

May tinatapos akong drawing at buti naman nafinish ko na before 12 kasi plan ko half day lang ako dahil me date kami ng lalake ko. Excited na ako… kasi sobrang bihira lang kami magkita, would u believe sa taon na ito wala pang 10x kaming nagkikita, nawalan ako ng cellphone 2 months ago dahil nalaslasan ako sa divisoria. Wala pa akong pambili ng cell basta mga next yr ko pa plan yun. Kaya di na rin kami nakakapag txt, hirap ng buhay… nagtaxi na ako para makarating ako sa sm manila, around past 1 na ng makapunta ako, ayun nasa compass internet sya, kung san kami unang nagkita. At ayun nakatuwad kasi nag aayos ng sapatos, kinalabit ko sya, then isang medyo malumanay lang na “Happy Birthday” ang kanyang bati, medyo parang… nagulat ako… parang ang lamig ng dating nya, ni parang di sya excited na ang tagal naming di nagkita? -2 pogi point…. Medyo nalungkot ako nun, then inaya na nya ako manood ng sine, sabi ko di pa ako nag aagahan kami kumain muna kami. Habang naglalakad he held my hand, hay namiss ko ang pasmado nyang kamay… tapos pinansin nyang “Nakapula ka ngayon ah!” kasi pula palda ko at medyo mapula ang kulay ng kuko ko sa paa, “Syempre birthday ko eh! At saka alam mo naman na red ang favorite color ko… teka di mo ata alam yun ah? Alam mo ba?” ang tanong ko, umiling na lang sya…. -3 pogi points…. Sa kfc kami kumain, napapatitig ako sa graphics sa banding uluhan nya, ayaw ko syang tingnan sa mata at tanungin kung ano problema, ayaw kong ako magsimula ng di pag kakaunawaan. Nagkamustahan lang kami… then I asked him na magkwento naman sya… sa tagal naming di nagkita wala man lamang syang makwento… -5 pogi points. Napansin ko medyo iba hairdo nya and may bigote at balbas na tumutubo, “O baket mukha kang terorista ngayon ha?” tanong ko sa kanya, wala daw sya panahon mag ahit, hes bc, sa review at sa bahay nya kaya wala syang time. Ah ok… ganon na lang ba kami tuwing nagkikita? Parang laging bago ako ng bago sa itsura nya… kasi once in 2 or 3 months lang kami magkita, 1 beses lang nangyare sa yr na ito na nagkita ng twice sa 1 month… lalo lang akong nalulungkot… (wala munang bawas sa pogi point)… Nakakainis walang magandang palabas ngayun, I wanted na manood ng Happy Feet, pero parang dama ko na ayaw nya yun, alangan naman na manood kami ng tagalong movie, yaw naming both yun, so as usual, horror or thiller, were choosing between The Return and Fragile, gusto ko sya mamili ng movie kasi parang feeling ko pang ako namimili ng movie, at nagkamali ako ng tantya sa gusto at panget pala ang palabas.. parang nadidismaya sya.. nalulungkot ako lalo nun… so since si Sarah Michelle Gellar sa the Return e baka ok na yun kasi sikat ang bida. So pumasok kami, sa bandang taas, bandang gitna… habang nanonood.. syempre hawak lang ng kamay… I was waiting to something na.. something special na pwedeng mangyari, I don’t expect na manyakan blues kasi hindi malibog bf ko. Well… parang… hay… so cold talaga.. naiiyak na ako kinauupuan ko nun… humarap ako sa kanya, humarap din sya “Happy Birthday… I love you…”, I love u too ang sagot ko…. pero parang walang feelings… parang andun lang kami sa sinehan para lang mairaos ang araw na yun at masabi lang na kahit papano e nakalabas kami at nakapanood ng movie… -9 pogi point…. nakalean na ako sa shoulder nya… wala lang… nakahawak sya sa kamay ko… pero parang nalalagkitan sya kasi mamasa masa ang kamay nya… inamoy nya ang kamay nya, ano ba yang nasa kamay mo? Hayyy.. naglagay ako ng hair polish buhok ko kaya syempre me residue na matitira sa kamay ko,, and I think mabango naman yun eh!!! Dati ko pang gamit yung hair polish na yun, he would smell my hair and smell my hand dati at sasabihin nya na mabango daw pero ngayun hes asking kung baket daw ganon amoy ng kamay koooo!!!! -7 pogi point…. Unti unti na… sumasakit na naman dibdib ko… I don’t wat to spoil it kaya sige lang.. nood lang… 3:30 tapos na ang movie… syempre wala nang idea kung ano susunod na gagawin at me class ako sa review ng 5:30 kaya alanganin, kaya inulit namin ang movie mga 4:30 kami umalis, sa paglabas na ng sinehan, isang smack lang ang binigay nya sakin… ahuhuhu… bday ko smack lang… at malamig na smack pa… tangina parang elementary!!!!! -100 pogi point!!!!
Naiiyak na ako… baket ganun ka cold? Baket? Baket? Ang dami nang naglalaro sa utak ko! Baka may iba na sya? Imposible, wala na nga syang time sakin kasi bantay sarado sya sa bahay tapos makakakarir pa ba sya sa iba? Or nagpapahiwatig na wala na?... naiiyak ako… sobra naiiyak ako… at shet naiiyak ako now cr muna ako….

“Bakit ka naman ganyan
Ano pa ba kayang paraan
Pero kung kailangan mo naman ako
Agad akong tumatakbo
Di bale na lang
Di bale na lang
Di bale na lang

Bitin na bitin ako
oh...oh...oh”

Masyadong maaga pa, gusto ko maglakad lakad muna kami sa sm pero gusto na nya umalis kami, di na ako kumontra, ok fine! Baka hinahanap na sya ng nanay nya, sumakay kami both sa espaƱa, nakatitig ako sa kawalan… ano ba? Sasabihin ko ba sa kanya? Ayaw ko sya bigyan ng alalahanin lalo nat nagrereview din sya, ang lalim ng iniisip ko… ni hindi ko namalayan na bababa nap ala sya sa quiapo, “Sige Ingat” ang nasabi ko na lang sa kanya at tinapik nya na lang ang binti ko… habang binabagtas na ang mataffic na daan, din a napigilan ng luha ko na tumulo… tangina kaarawan ko malungkot ako… hindi ko pinapahalata na naiikay ako… pero yun na ang di ko kayang mapigilan.. bumaba na ako sa morayta.. dun lang review school ko.. pero 5:00 pa lang! nagonline muna ako for 30 minutes, hoping na magkakausap ako at kayang magpatawa sakin, pero to no avail…. Parang assholes karamihan na naghahanap ng webcam ko nakakachat ko sa ym… hay bad trip! Wala na.. salubong na kilay ko!!! Pumasok na ako sa review at puta wala na akong maintindihan, sa likod na ako umupo.. putsa puro barako nasa room, ako lang babae… hay… dun nag sscribble and doodle ako at naguguluhan.. nag iisip… tangina gusto ko na makipag break or cool off sa kanya pero putsa mahal ko sya, kahit sang angulo ko tingnan mahal ko sya.. ito ang ayaw kong maranasan.. ang mabuang sa lalake…tangina.. putangina… sa likod ng mahaba kong buhok nakatago ang mga mata kong lumuluha… tangina ang korny ko na… hay…. At putsa parang ang tagal ng break… ah!!! Parang pasado alas 7 na dapat me break na… tumayo na ako at nilagpasan ang uugod ugod na instructor kasi expected ko may mga bisita pa akong pupunta sa bahay… di ko namalayan.. na naglalakad na ako.. baket ako naglalakad me masasakyan naman ako pa divisoria dun eh.. basta naglalakd ako… hanggang sa tapat ng isetann sa sakayan ng pa monumento… bumaba na ako ng tayuman at 1 sakay pa pauwi sa amin. Inaaliw ko nalang sarili ko, di ako dapat mabad trip sa araw na ito… di bale dadating naman mga kaibigan ko…

Pag uwi ko sa bahay, hala lasing na tatay ko… pero andun na ang bestfriend ko.. hay thank god for my best friend!!! Napangiti na ako… konti lang ang friends kong pumunta… 5 lang ata, saying hinanda ng tatay ko.. pero ok lang… dumating ang mga kaibigan ko nung college, gusto ko silang makita… at makausap, magaling sila magbigay ng advice at yun ang kinahahangaan ko sa kanila… 11pm sila umalis sa bahay at hinatid ko sa kanto naming, habang nakatayo lang nagkwentuhan kami, kinamusta ko sila… work.. bout sa review… bout sa course naming.. then saka ko pinasok yun sa lalake ko… hay… medyo naliwanagan ako… baka daw may reason kung baket ganun sya mag act, try ko daw kunin ang positive at negative points nya…. Kahit na sobrang magkaiba kami ng ugali at paniniwala, wag ko daw iexpect sya na aakma sa ugali at sa gusto ko… hay… basta medyo naliwanagan ako sa mga sinabi nila… pero ang tanging tanong sa utak ko… ayaw ko na maghintay sa wala, ni hindi naggrogrow ang realationship namin, kung may relationship man na matatawag! Wala akong makita, wala akong madama… nabuburaot na ako… tangina ang drama bwisit….

“Hindi ko na alam kung makakaya ko pa
Di bale na lang kaya
Ako pa ba kaya ang nasa puso niya
Di bale na lang kaya”

Medyo masakit na binti ko… at saka tagal ng paguusap naming (1 ½ hours!!!)… hinayaan ko na sila na makasakay na sa jeep, paguwi ko andun ang bestfriend ko nag aabang sakin. Sya lagi ang huli kong hinahatid, nagpaalam na sya saking ina… Kakauwi lang ng bestfriend ko galing dubai, may sya umalis dito sa pinas but nitong November bumalik kasi naoperahan ang mom nya at kailangan na sya magbantay… I missed him so much! Hindi kami nagkakausap mabuti pag minsan na nagkikita kami, now is the time na magkausap kami…. Ang usual na ginagawa namin… maglalakad muna sa bahay naming hanggang tayuman medyo malayo mga 30 minutes or more na paglalakad. Then stop over sa jollibee para makapag kwentuhan pa, ayun I told him my prob din… he just gave me a safe advice… hintayin ko muna na pareho kami ng bf ko na medyo stable na sa career at sa work bago mag decide kung tuloy pa ba or wala na… hay pero more on chuvanes chika ever kami pag magkasama… it makes me laugh na tipong rinig ng lahat ng utao sa pligid, oh I love my bestfriend, talagang pareho kami minsan ng takbo ng utak at minsan iisa din kami ng sinasabi… bading pala sya.. ahehehe, then sumakay kami na ng jeep, pinahawak nya sakin ang shades nya habang kumukuha ng pambayad, nung iniaabot na nya sa driver ang bayad, sinuot ko shades at nag lahad ng kamay na parang bulag na pulubi na medyo tulo laway… pagharap nya tawa sya ng tawa… hay namiss ko ang tawa nya… then he gave me 50 pesos… nakalimutan ko kasi pera ko kaya wala akong pamasahe pabalik sa bahay… ahehehe tungaw ko no?!... then ayun.. tuloy ang kwentuhan… hanggang makarating kami sa Lawton, dun sya sumasakay ng fx papuntang sucat… s alas pinas na kasi nakatira bestfriend ko.. dati rati sa sampaloc lang kaya pwedeng pwedeng dayuhin.. now hindi na.. magastos na masyado.. naghiwalay kami ng nagtataawanan… at habang naglalakad pabalik e napasigaw ako sa tapat ng post ng ng “Woooohhhh” to realease my emotion… it was around past 1 am na nun eh kaya wala masyadong tao… then ito na ang mahirap na part, pano ako tatatawid sa mc arthur’s bridge nyan e walang tawiran dyan or opening, so ayun.. over the bakod ako sa steel pipes na me makulay na ilaw.. ahahaha namiss ko ding gawin yun no!!! humihinga na lang ako ng malalim… and pinapasaya ko sarili ko… pumara na ako ng jeep para makabalik ako sa tayuman.. sakto sa harapan ako umupo… habang tumatakbo ang jeep napansin ko na parang nkapaling ang jeep… shet baka sabihin na dahil mataba ako kaya napaling ang jeep?!... pagsilip ko ng mga tao sa likod, e sows kaya naman pala lahat ng nakasakay e sa side ko nakaupo, walang nakaupo sa other side.. tinitingnan ko sarili ko sa salamin… hay nakakunot na naman noo ko… dyusme… di talaga matanggal sa isipan ko.. parang gusto kong I untog ulo ko.. parang gusto kong biglang bumaba sa jeep at tumalon sa ilog pasig… alas dos na ng nasa bahay ako… antok na antok… tangina.. naguguluhan pa din… ito ba ang punishment sakin dahil sa mga dati kong kalokohan? Ano ba?... baket ba?... sumasakit na naman dibdib ko… naiiyak na naman ako… may sinasaloob din ba sya? Inaanticipate ba din nya ako?.... mahal pa ba nya ako?... nalulungkot talaga ako… kahit napakaimmature nya, kahit matanda ako sa kanya ng 3 ½ years, kahit parang mama’s boy sya, kahit hindi kami magkaintidihan paminsan minsan, kahit nakakalimutan nya magparamdam sakin, kahit lagi nya akong inilalakad ng malayo para lang sa pedestrian lane kami tumawid, kahit na di sya romantic at di naughty, and kahit na -126 ang total pogi points nya at naiinis ako sa kanya….

“Ngunit mahal ko siya
Di bale na lang
Di bale na lang
Di bale na lang

Di bale na lang...
Ooh ooh ooh ooh ooooooh.....”


October 21, 2006 - Funnies at the Review Center


Ito nagagawa pag nabubuang na sa pagrereview.... ahhehehehehe

Now ko lang ineexplore ng mabuti ang yahoo 360... ahmm interesting.. nasa bahay ako now ng ex officemate ko.. at sumama lang ako akala ko kainan lang pero yun pala may massage session pala... wala naman ako pera pampa massage kaya ito nakiki internet na lang.. ahehehehe... kaka antok na nga... may review pa ako bukas.. di ko pa nga nasasagutan ang take home exam namin.. ah may naalala ako.. natawa ako sa sinabi ng instructor namin kanina sa structural subject... ang banat nya "Structures tayo ng structure dito hindi pa natin napupuntahan ang mga impotanteng mahalaga..." sa tingin ko di rin nya expected na masasabi nya yun. nagtawanan na lang kaming lahat ... ayaw ko mag react ng bayolente ahehehe nakakahiya nasa harapan pa naman ako.... actually nag papaka demure ako sa review center kasi dyahe naman kung ano anong pananalita ang lumabas sa bunganga ko.. ahehehe pero di ko talaga napigilan noong 1st meeting namin sa review. design ang subject, the instructor was explaining yung about sa group study he said mas effective daw kung group study eh 5 members, either 3 girls and 2 boys or 3 boys and 2 girls. ang panget naman daw kung sa group e isa lang ang lalake at 4 babae or 1 ang babae at puro barako... sabi rin nya wag naman daw mag partner partner dahil ano naman daw ang gagawin ng isa... nawala ako sa loob ko at nasabi ng medyo malakas "e di scorer" nagulat sya! kasi nasa harapan lang ako, nagulat din ako and natakpan ko ang bunganga ko.. shet nagsimula na naman ako!!! tapos tinuro nya ako at naka mike na nagsabi sa class "scorer daw o?!!" nagtawanan ang class at ako naman medyo nag blush, tapos the instructor asked me "baket ano ba gagawin nila at kailangan ng scorer?" buti na lang mabilis ang aking pag iisip at aking nasagot "sir pag nag mock up test merong mag iiskor" ahehehe nakahinga ako ng maluwag at nakalusot.. ahehehe .. tapos ang nasabi ng instructor "ayaw kitang kausap... nakakatakot ka..." ahehehe langya! what a way to give a first impression sa instructor!!! medyo mahirap din pag nasa harapan ka kasi pag nagtanong ang prof e pag sayo ang unang tilapon ng tingin e ikaw ang hihingan ng sagot. nag ask sya "ano ang minimum na sukat ng eaves?" e proud ko pang sinagot "0.60m!" kasi yun ang nakasanayan ko at alam ko na tama, at malakas lang nyang sagot "MALE" oh shet in my face at nakakahiya sa class.. ahehehe pero medyu nakabawi ako. sabi nya since magiging professional na kami dapat kung magbibigay kami sa client ng mga kulay e hindi ang common colors, tulad daw ng orange it may be called tangerine, then tinuro nya ako, "give other names for red" thank god i use cray pas noong kabataan ko i said "crimson" ahehe yeah magaling daw, aba ang sabi "other name pls" putsa nag hanap pa.. pumikit ako sandali.. at sinabi ko "vermillion!!!" well ok daw! tapos biglang hirt nya "e pag blue green?!" shet... pikit ng konti at isip... nasagot ko.. at di ko alam kung tama... "aquamarine" wow tama daw.. e himingi pa ng isa!!! ayun di ko na nasagot .. then he said "torquiose" hayyy tumango na lang ako... sa bandang kalaunan pa ng hapon parang inaadvertise nya ang canteen sa ibaba ng review center. sabi nya pag nakakain daw ng spaghetti e nasa top 20 daw usually nakukuha ng mga kumakain nun sa canteen nila, lasagna naman pag sa top 10!!! nagtawanan kami... pero whats wrong kung susubukin, parang tradition na yun sa review center na yun kaya laging ubos at pinag aagawan kung may ganung tinda.... baked macaroni pa lang nakakain ko pero im eyeing on the lasagna and spaghetti din no! pero dapat me kaakibat daw na pag aaral. then he said, thru experience, tried and tested daw, pwera biro, mas marami daw nakakapasa sa batch kung among the group e meron kahit isang disabled daw... tumingin tingin sya sa likod... sa kaliwa... sa kanan... at nasabi nyang ahmm mukhang wala ata ... ako na nasa likod nya dahil pumunta sya sa aisle... out of nowhere e nasambit ko na "sir sino alay" nagulat na naman sya... naglakad sya ng patalikod at itinuro na naman ako and sinabi sa class habang naka mike pa... "sino daw ang alay o!!!" hanep nag tawanan ang mga nayupak kong classmates... taenang bunganga to... then he gave me a smile and kumindat and sinabi... kung sino daw ang nag suggest... na parang binitin nya ang sentence na ibig sabihin e parang since ako nag suggest e ako daw ang magiging alay! nakuw! ke tarik pa naman ng hagdan sa review center na yun! kinabahan ako ah!!! ahehehe... we spend laughing and learning .... masaya mag deliver ng lines ang instructor na yun... asteg nga ehhh!!! sana nga lang lumabas sa board exam ang pinag tuturo nya... ito lang ang naalala ko sa kanya "SMERM RHEAC" ahehehehe

September 13, 2006 - Ugong Along C-5 Accident

Isa sa mga shockers ng buhay ko....

September 12, 2006 bandang pasado alas kwatro... ako ay kasalukuyang busy sa work ng tinawag ako ng officemate ko and she told me na tumingin ako sa labas.. and yeah paglabas ko ng office a couple of steps away.. ayun.. i saw this very gruesome scene... bigla akong nanghina at umiba ang kabog ng aking dibdib.. sanay ako makakita ng morbid at brutal na pics sa net at sa pagtira ko sa tondo sanay din ako makakita ng nakahandusay sa lugar namin pero dahil lang sa saksak or sa baril.. di ako prepared na makakita ng ganito kagrabeng pangitain... ang siste.. nakamotor ang guy, nabangga ng fx, then saka nahagip ng malakeng truck (may nagcomment sakin na van daw nakabangga pero yun ang orig na narinig ko dito e). i tested myself kung kaya kong lumapit at tingnang mabuti ang isang pile ng wakwak na laman sa kalsadang iyon... at parang di pa ako nasatisfy kasi kinunan ko pa ng pics.. share ko lang sa inyo kung kaya nyong tingnan.... nanginginig ang aking kamay at malamig itong nakahawak sa digicam habang palapit kong kinukunan ang eksena. andun na ang ilang nagiimbestiga at napasigaw ang isa "wala bang dyaryo?!" at since nakita akong kinukunan ang nakahandusay na laman, sakin sila humingi ng dyaryo... kaya mas nakalapit pa ako at nakunan ang tinatakpan ng bangkay.... kadalasan kasing tamad akong gumamit ng overpass ang layo pa kasi ng lalakaran, kapag kasama ko ang officemates e ako pa ang matapang na kumakaladkad sa kanilang tumawid sa kalyeng ito habang sila ay takot na takot dahil sa bilis ng mga sasakyan. medyo nauntog ako at natauhan. shet! magooverpass na ako!!! at nakaka awa.. dahil parang kanikanina lang na wala pang 10 minuto e buhay pa ang lalakeng yun na nakamotor.. and within a minute e para na syang bopis at karneng tinitinda sa palengke... hayy... ganun lang ba kadali ang buhay ng isang tao? ano na kaya iisipin na pamilya niya lalo nat nakitang ganyan ang kanyang kinahinatnan?.... ako... hindi takot mamatay, pero ayaw kong maging ganito ang mangyari sa akin. gusto ko maganda pa din ako sa kabaong ko... wahehehe.. hayy di pala dapat ito pagtawanan... after this mas nakita ko ang value ng LIFE... salamat sa Diyos at buhay pa ako ngayun.. at ... shinashare ito sa inyo...